Ano ang Salawikain?
Ang mga salawikain o sa salitang ingles ay “proverbs”, ay mga kasibihan na bahagi ng panitikang Pilipino. Ito ay karaniwang binubuo ng mga idyoma o parirala na may hatid na malalim at makabuluhan aral. Ang mga salawikain ay ang mga kasabihan na nag mula pa sa ating mga ninuno alinsunod sa sarili nilang karanasan sa buhay. Ito ay pinag-salin-salin hanggang makarating sa ating henerasyon upang tayo ay bigyan ng aral at gabay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang bawat salawikain ay makabuluhan at naglalaman ng aral sa iba’t ibang larangan ng buhay. Ito rin ay nagpapabatid ng katotohanan base sa mga pangyayari sa buhay ng tao at obserbasyon sa kalikasan.
Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng salawikain na may batid na gintong aral na magagamit sa buhay.
Ang taong tahimik
kapag nag-isip ay malalim.
Ang taong mabunganga
walang kuwenta ang salita.
Kahulugan: Ang pananahimik ng tao ay hindi batayan ng kawalan ng kaalam. Kalimitan ng taong tahimik ay nag iisip muna bago mag bitaw ng salita dahil alam nila na ang salitang nabitawan na ay hindi na mababawi pa. Ang dami ng sinabing salita ay hindi sukatan ng talino ng tao.
Kung ano ang itinanim, Iyon din ang aanihin
Kahulugan: Ang pakikisama ng mabuti sa iyong kapwa ay iyo din aanahin, subalit kung nag tanim ka ng hindi maganda ay siya din nilang ibabalik sa iyo.
Ang batang busog sa pangaral
Ay lalaking marangal
Malayo sa pagiging hangal
Dala ay mgandang asal
Kahulugan: Ang batang lumalaki na palaging may patnubay ng magulang, ay hindi malilihis ng landas at lalaking mabuting tao.
Kung gaano kataas ang lipad,
Gayon din ang lagapak pag bagsak.
Kahulugan: Ang taong hambog at mapangutya ng kapwa, kapag bumagsak ay malalim at magdurusa.
Aral ay gawing tulay
Tungo sa magandang buhay
Kahulugan: Ang mga batang masipag mag-aral ay magkakaroon ng magandang kinabukasan.
Ang bulsang laging mapagbigay,
Hindi nawawalan ng laman.
Kahulugan: Ang mga taong bukal sa loob tumulong at mapagbigay ay makakatanggap ng umaapaw na grasya.
Huwag kang patatalo sa iyong panibugho
Mundo mo ay guguho at magkakagulo-gulo
Kahulugan: Ang pag seselos ay karaniwan nangyayari sa isang relasyon, subalit hindi dapat ito hayaan manaig at makaapekto sa inyong pagmamahalan.
Magsisi ka man at huli wala nang mangyayari.
Kahulugan: Kalimitan ang pagsisisi ay nasa dulo, kaya dapat bago gumawa ng isang bagay ay pagisipan mabuti.
Sa haba man ng tinahak na tadhana
Ang hulihan pa rin ay dambana
Kahulugan: Ang dalawang taong nagmamahalan ay madaming dadaanan pagsubok, kaya kailangan ipaglaban ang inyong relasyon hanggang sa dulo.
Nasa Diyos ang awa,
Nasa tao ang gawa.
Kahulugan: Ang taong masipag ay binibigyan ng biyaya ng Diyos.
Walang kapantay ang saya ng buhay
Sa pamilya na buo
Ligaya ang tunay na taglay
Kahulugan: Ang isang buong pamilya ay higit pa sa yaman material.
Ang maniwala sa sabi-sabi’y walang bait sa sarili.
Kahulugan: Kung ikaw ay madali mapaniwala sa sinasabi ng ibang tao na walang basehan kung ito ay may katotohanan, ibig sabihin wala kang tiwala sa iyong sarili.
Nang ako ay gumagawa ng tama
Walang nakakaalala
Ngunit ang minsan kong pagkakamali
Ay hindi na nakalimutan
Kahulugan: Sa dami ng iyong nagawang tama ay mababalewala lamang sa isang pagkakamali na iyong nagawa.
Ubos-ubos biyaya, Pagkatapos nakatunganga.
Kahulugan: Maging masinop sa biyayang natatanggap at wag ubusin sa isang iglap upang sa susunod na araw ay may madudukot.
Sabihin mo kung sino ang mga kaibigan mo, At sasabihin ko ang iyong pagkatao.
Kahulugan: Malalaman ang pagkatao ng isang tao kapag nakilala mo kung anong klaseng kaibigan ang mayroon siya.
Yaong mapag-alinlangan, Madalas mapag-iwanan.
Kahulugan: Ang mga taong madalas magkuli sa mga bagay o plano sa buhay ay kalimitan nalalagpasan ng pagkakataon.
Ang oras ay ginto.
Kahulugan: Ang oras na lumipas na ay hindi na maibabalik pa, kaya gamitin ito ng tama.
Kapag ang nauuna’y tamis, ang nahuhuli’y pait.
Kahulugan: Kung ang iyong inuna sa buhay ay ang mga bagay na panandaliang saya lamang and dulot, ikaw ay magdurusa sa bandang dulo.
References
- Mga Salawikain, Salawikain
- Editorial Staff, SALAWIKAIN: 550+ Mga Halimbawa ng Salawikain (Filipino Proverbs), Noypi.com.ph
Want more stories like this? Follow us on Facebook and Twitter.
Also read: Pinoy Riddles: Mga Halimbawa ng Bugtong o Palaisipan.